Lunes, Mayo 30, 2011

Ang Aking Bagong Pag-ibig (Awwww!!!)

Tama lang talaga ang pinangalan ko sa Blog ko eh. Grabe sa sobrang tagal ng paghihintay ko sa pag-ibig, isang araw lang pala ang kailangan para maclose ang deal. May 27, Friday, isang maulang dapit hapon mga bandang 6:54 PM ng gabi (hindi naman masyadong eksakto, medyo nakalimutan ko ang segondo), nag-simula ang lahat.

Nagmula ako sa maraming heartaches at ewan ko pero hindi ako nadadalang sumugal sa pag-ibig. Hindi rin naman ako naniniwala sa "getting-to-know" stage dahil mas gusto kong gawing yun along the way.

Ganito ang nangyari ng hapong iyon. Naglalakad ako papuntang Agusto Francisco mula sa Onyx street nang may humaharurot na isang jeep papuntang Burgos ang pinara ko. Weird, ako yung taong ayaw sumakay sa jeep na konti ang laman kasi paniguradong madaming stop-over na gagawin yun. Pagkatapos may 4 na taong sakay, 1 babae, at 3 lalaki. 2 sa 3 lalaki eh magkaibigan so yung isa para sa akin (joke lang). Nung una, hindi ko napansin yung hombre kasi mukhang hindi accommodating(btw yung tinutukoy ko yung walang kasama). Nagpalinga linga ako, sinusubukan kong makapenetrate sa aura ni kuya pero mga 3 times bago niya ata nahalata na meron akong pakay, mahalay na pakay sa kanya. medyo, nagkakatitigan na kami ng makailang ulit ng naging magkatapat na kami sa upuan dahil bumaba na yung bilat(babae) sa tabi niya sa may dulo ng jeep at since outcasted naman ako dun sa left side ng jeep, tumapat ako sa kanya, hindi pala tumapat, tinapatan ko siya. para akong may sakit na 'Iling',yung sakit na 'to-the-left, to-the-left' ang pihit ng mukha. tapos sulyap sa kanya. Nararamdaman ko na na-aawkwardan na siya so dinaan ko sa, yung pokpok na smile para di siya mailang. And it works! Presto and he is simply smiling back(Wapak!). Sure booking na mga ateh! So, tumagal kami ng paganun-ganun lang. From Pasig line, hanggang Mabuhay, Tejeron puro ngisian lang ng ngisian kaming dalawa. May I wet pa ako ng lips ko sa harap nya para magopen sya ng conversation pero hindi pa rin sya nagmove. Parehong walang nagsesecond move, sabi ko 'Pakshet, like ko 'tong guy kaya lang awkward kung bigla kaming mag-usap kasi nanduon pa ang mga bagets.

Ang ginawa ko, kinuha ko ang scratch paper sa bag ko at isinulat ko ang "LUI 09**********" . eto pa nakakatawa..Hindi ko kabisado number ko kaya tiningnan ko pa sa Nyelat(Cellphone) ko yung number. Pinasimplehan ko ang abot kay guy kasi pababa na sya. Gusto ko sanang bumaba kaya lang 7:30pm shift ko at baka malate ako, kaya lang takot akong hindi magtext ang hombre. Idinaan ko sa dasal ang lahat pagbaba ni guy. lumagpas na kami ng Simbahan, lumagpas ng Tejeros, bumaba na ako ng Pasong Tamo, nakasakay ng Mantrade, nakababa ng Export Bank Building, naglakad pa-office, nag-log-in sa DTR, nagpull-up ng breakscheds ng mga agents ko at nagfloor walk pero sad..walang text..Sad talaga ako, inisip ko baka ayaw nya sa akin..

So move on, nagfaflag ako ng agents ko ng kaboom nagtext ang hombre..hindi ko na eksaktong maalala ang text at wala na din sa thread yung pinaka unang text nya :'( . Ang naalala ko na lang is "Hi Lui, kararating ko lang ng hauz, miko here". This is it ! so reply agad ako..hahaha after some texts inoffer ko kung pwede ko siyang tawagan. And he said yes. Sabi ko sa sarili ko..icoclose ko na to tutal madami naman may gusto ng voice ko over the phone..wahaha(yabang)..but it works again.. we then became textmate. and ang unang intensyon ay makipag-do lang sa kanya pero during our texts and phone calls we never talk about S**.

Kinabukasan, i try to meet him up sa Rob Ermita and he agreed. Sabi ko 2pm since galing naman sya ng review. Kaso nung nakita ko ang 1 of my best freinds sa office na si charm, palibhasa'y galing ng Davao for less than a week, nagkwento at nagpakwento ng bonggang bongga about her activities sa Davao ang sa kanya at ang akin eh yung status ko sa FB about me thinking of moving out of the company. Nagtext ako sa boylet kung pwede Sunday na lang para magsimba na kami. Pumayag initially pero after a while he realizes may lakad pala sila ng family nya..nasad ako sa pagkadaot ng friend ko but namiss ko din naman s'ya at since excited naman akong ikwento pati encounter ko kay boylet..

Pagkatapos ng madaming sharing of stories namin ni charm,tinext ko si boylet kung anu nalang plan nya since hindi na kami magkikita..sabi nya punta na lang daw syang Glorietta, so sabi ko daan na lang ng office at sabay na kaming uuwi..sabi nya ako na lang Go sa Glorietta since hindi nya alam office ko..so Go nalang ako..dun kami nagkita ng hindi pa ako nakaligo ng araw na yun..nagreflenish na lang ako..At eto na..nagkita kami sa may Mcdo Glorietta yung malapit sa gitna..and ayun..nagsabay lang talaga kaming umuwi..Wa na Istrol-istrol..usapan kasi sabay lang umuwi.eh hindi ko naman alam na literal palang sabay kami uuwi..pero oks lang..hindi pwede magdemand kasi hindi naman kami..hahaha so umuwi na kami..yun na yun!hahah

So naglakad kami paLandmark at doon naghintay ng Makati Loop, kasi ang terminal n'un eh sa Pure Gold malapit kala hombre. 'Pag sakay namin sa pinilit maging Aircon na Jeep, doon kami sa pinaka likod(yung estribo ng regular na jeep) nagsiksikan kaming 2, pareho kaming healthy at ang katabi namin both sides eh matandang reklamador at bilat na walang care pero parehong portruding ang mga tuhod kaya hirap umupo..pero I must say naging pabor sa akin..hahah Hindi pa kami ng guy pero nakahawak na sa 28inches kong bewang..hahaha at ako eh nakapatong ang elbow sa mga hita..hahaha take note..hindi pa kami..hahaha

Tapos nun, pagdating Pure Gold, wala lang, pinasakay agad ako ng Jeep pa Bukid, Taft..text text uli..sa bahay pahinga pero magkatext..eto na, the moment of truth,hehe eto ang actual Text namin:

Putol na 'to from the start of our text pero eto yung trail nang naging kami.
Ako: Oo..d2 nKo bahay..
      ..mgcocoffee..buti nlng..

Kuya: =p
      coffee pangpatulog mo?

Ako: Ndi po..ndi kasi ako ma22log..higa lng ako..
      rest lang ok nko..miko..pde b magtawagan tayo
      ng para sa atin lng..

Kuya:Ok lang..

Ako: Kaw po..nu gusto?

Kuya: Gusto ko?Ikaw.. Haha

Ako: Tatawagan kita gamit yung isa kong
      number ha..wait

Kuya:Ok.

Usap over the phone then Text again:

Ako: Maliligo na din po ako mmya ng
     konti..madaming thank you po uli..

Kuya: Sige po Kuya =)
     haha..

Ako: :'( Duga mo nmn..sige kuya nlng
     tawagan natin kung gusto mo..haha

Kuya: Hahaha. Ok lang, =p
     Cute naman ng kuya ko.

Ako: Mahal ko nmn Kuya ko..
     Gwapo pa..

Kuya: Haha. Love you too kuya..

Ako: Buti nlng 28 ngyn..atleast lht
     ng bwan meron 28..sayo ko ngyn..
     does this mean we are official..now ;-)

Kuya: ;-)

End of Text

Wahahahah ayun.. 28th of May was the official day na naging kami.. Bonnga.. Well as the song say "Love moves in mysterious way".

Happy? Very much happy and inlove..

so yun yung nangyari..minsan talaga ok lang maging malandi kung para naman sa mahabang kaligayahan..why not try?

1 komento:

  1. Siguro nga minsan yung mga sudden meet ups pa yung nagtatagal..haiisssttt..Kelan ko kaya makikita ang aking jeepney boy?

    TumugonBurahin