Miyerkules, Hunyo 8, 2011

Our 7th date..Short but breathtaking

Sa mga reader..hindi sa hindi ako marunong magbilang..nagkataon lang na napakabonggga nitong moment na ito kaya inuna ko na..

Trust me..nakakakilig talaga to kas upto now..i can still remember every bit of it..(char!)

Ok..pwede na..simula na..(hahaha)

Nagising ako sa sleeping quarter feeling uncomfortable dun sa hinihigaang kong 1st deck ng double deck na katapat ng pintuan..Hay naku sa sobrang di ganda ng gising, like my daily routine, may I check ako ng nyelat(cellphone) ko..at CHARAN!! May text si Kuya saying 'I Love you more kuya' ..so syempre reflex na ata ng katawan ko ang magreply..Ang bilis ng MATA ko telling my BRAIN to to process, tapos si BRAIN telling my HEART to feel love and my HEART giving my HANDS to reply nice and sweet words..O 'di ba, ngfunction well kahit 3 hours sleep lang ako..hahaha

Tinanong ko si Kuya, if pwede tumawag since sinabi niyang inaantok pa siya, i was thinking of inspiring him.. Pero hindi siya agad nagreply :-(.. Binasa ko nga uli ang text niya:

Kuya: Di pa po di pa nga ako
          naliligo eh. Tinatamad ako :(
          pero kaylangan

Nag-slytly emote ako:

Ako: Kuya..bakit ka tinatamad ka?
         twag ako?oks lang.ba?
                     -6:56AM,Jun 8

Ako: Hindi nako pinansin..huhu
                     -7:02AM,Jun 8

Pero i was thinking na baka naligo na siya, at 7:11AM,Jun 8 nagtext na sabi:

Kuya: Geh po

So may I tawag agad ako..asa operations floor na pala ako nuon ng tumawag ako kay kuya papuntang pantry at wala na sa sleeping quarter..sbi ko kasi ke kuya na uuwi na ako at sa bahay na lang ako magfofollow up ng tulog ko..ETO NA!(magic word).Kumustahan ng tulog, ng gising pati ang future ay kinumusta na namin sa isa't isa..hahaha Tapos pumasok sa isip ko at inattempt ko naman itanong kay kuya..inisip ko kung pwede ba kaming magsabay..ako pauwi at si kuya papasok naman..in short, ihatid ko sana siya..hahaha Ang plan is to meet him sa Pure Gold(na Luneta namin) tapos sabay na kami papunta LRT pero sa Buendia..Ang plan naman pala ni kuya ay kita kami 7/11then sabay lang kami sa Jeep papuntang Pedro Gil..Hindi pa talaga buo ang plan namin kasi naisip lang talaga at hindi naman namin talaga usapang magkikita ng umaga..since paglalambing lang naman ang akinat kasabikan ko sa kanya kaya ko naisip yun pero since ok lang kay Kuya, GO na kami sa meet up! hehehehe

Eto nakakatawa..nung pumayag na si kuya..saka ko narealize na wala na pala akong Andakels(pera)..yung 2humer(Php200) ko pala eh napautang ko na sa mga friends ko at ang alam ko may 1humer(Php100) pa ako sa ATM..so may daot sa meet up..hahaha pero alam ko nasabi ko din ata pati yun..hahaha I tried..i tried so very hard na pasukahin ng 1humer ang ATM machine..pero wala atang morning sickness ang machinery..hindi ko nakuha sa pouting lips ang machine..hai..so syempre si kuya naghihintay na..so may I claim ad look for a hero..hahaha Go agad ako sa 5th floor ng office namin ng walang idea sinong lalapitan..Aba, a help from heaven..Nakita ko na ang mighty savior ko..with white aura all over her body..si Raquel, tier 2 Dominique..(hahaha nagpromote) to save the day..May I utang ang lolo mo ng 1 humer..Pagdukot, WAPAK!!! eksaktong 1humer nakangiti sa akin si raising his eyebrows with pouting lips..hahaha sabi ko na lang kay Raqui "nakatakda talaga na ipahiram mo siya sa akin(yung Php100)..hahah pagkagetlak(kuha) beso, thank you, babush..flysung(alis) agad..hahaha wa' na keme keme..nagmamadali na eh..hahah(walang utang na loob) saka na bawi at plastkan..hahaha (joke lang Raqui)..nerbusnes(nerbyos) akez dahil lalong malalate si Kuya..dahil sa akin?

Para akong ambulance ng umalis,no stopping with no 'wang-wang'..pagsakay ko..text agad kay kuya to update asan na akez..nakita ko text:

Kuya: Text ka kapag malapit ka na
reply ako: Ok po

Si kuya may sa lahing bagyo, bilis magchange ng mind..sabi nya tawagan ko s'ya pagmalapit na ako..para hindi na raw ako bumaba sa jeep at paparahin na lang n'ya yung jeep na sinasakyan ko..Sabi ko ayaw ko yun kasi risky yun pero Umoo din naman ako pero may kundisyon na kapag lumagpas bababa ako..um-OK naman si kuya..

Exciting part: sa kakamadali ko, pagbaba ng jeep na paPRC, sakay agad ako ng jeep..nakalimutan ko ng iobserve ang jeep na sasakyan ko paa madescribe ko kay kuya yung jeep..hahaha nasakyan ko ang jeep na Burgos/Taft LRT..tawag agad ako kay kuya..sabi ko asan na s'ya..sabi n'ya sa angel's burger..ask ko saan yun? sabi n'ya paglagpas lang ng 7/11..tinatry kong idescribe yung nasakyan kong jeep, pero hindi ako makakita ng words na magdedescribe ng outer ng jeep..so sinabi ko na lang kay kuya kung saan na dumadaan ang jeep na sinasakyan ko..ask ni kuya kung asa unahan ako..sabi ko sa likod ng nasa unahan ng jeep..



Palapit ng palapit..may halong kilig, konting kaba at slytling worry na baka hindi kami magkita..nakita ko si Kuya..hindi ko alam pero promise..para akong batang  3 yrs old na sinalubong ng nanay from work..ganuong kasaya..parang asong nakita ang among dumating..ganuong kaexcited ang feeling ko..samantalang magkasama lang kami magdiner kagabi..hahaha..pero syempre nakangiti..ngiting may pagmamahal..sobrang tamis kulang na lang itim na langgam sa lips ko..Smile ng isang virgin na dalaga..walang bahid dungis..isang pure virgin..char?!  hahah nacarried away lang..hahaha

Kahit medyo masikip na sa dulo..may I move talaga ako to the left to the left again..hahaha..medyo maulan di ba..basa ang upuan..may I kuskos ako ng pwet ko sa upuan kasi si kuya papasok pa lang at ako eh papauwi na naman..so deadma..para akong may rashes sa wetpaks(pwet) kung makakuskos..

So PERFECT?! Dahil sa kasabikan ko/namin ni kuya, ang simpleng pagkikita namin at pagsabay pumasok..ang pagkikita namin sa jeep..it was PERFECTLY BREATHTAKING.. habang luamalakad papasok si kuya..bumabagal ang lahat..My heart felt a moment of silence looking at him as he passed front of me watching him sit beside me..(eeee kainis) Hindi na niya napansin na na-teary eyed ako..promise..Hindi pa niya naaayos ang pag-upo niya may inabot siya sa akin..binigay niya ang Angel's Burger..Buy 1 Take 1 na burger..Tig 1 lang kami..pero kahit tig-isa lang kami..Para siyang burger for lovers given by an angel of Burgers(oha..oha..oha..arte much) Hahaha..Hindi nga! Promise, Bongga talaga! bonggang breakfast ko.."It was the most EXPENSIVE BREAKFAST I had in my life.." sabi nila hindi raw nabibili ng pera ang tunay na kaligayahan..well, I can say hindi pala totoo yun..Kasi, magkano lang naman ang angel's burger? Buy 1 take 1 pa nga  pero it give me one of the happiest moments in my life..Ang pera pala..depende sa tao..kung saan mo ilalaan ang pera..

End up ..sumama hanggang LRT Quirino..wala pang Kiss na naganap kasi walang chance..Bawi na lang daw siya nagkita kami pag-uwi nya from review..Lam n'yo na..dapat bonggang preparation na naman ito..haha

Martes, Hunyo 7, 2011

The 4th date..the Mang Inasal Date

After our Tokyo Tokyo date namin, di ba nagpromise si kuya na siya ang taya sa date namin bukas..heheheh. Actually, nakalimutan kong si kuya pala ay di nagririce tuwing gabi or kung nagririce man super konting konti lang. Nagpapaliit ng tiyan si Kuya, hehehe. Sabi ko nga, "okay lang naman sa akin na chubby siya eh kaso siyempre self-fulfillment, self-esteem, self satisfaction and iba pang self na magandang bagay..heheheh.. 'di ba, 'nu kuya?.

Grabe na nga ang lalim ng love ko kay kuya..As in deeper than the ocean, higher than the sky..char!!

Hay naku, June pa lang pero ramdam ko'y February na. Feeling ko love month na..Siguro kaya ginawang 28 days lang ang February kasi alam atang abuso ako sa dates..hahaha

Honestly, pagka tapos ngming magdinner tinanong ko kung saan ang next stop ever ng date namin..Sabi ni kuya, bukas siya naman daw ang taya at magma-Mang Inasal kami..

Eto na nga..Kinabukasan, pagising mula sa sleeping quarters ng office, nagtoothbrush lang ako at konting baso sa mga office friends and tapos before anything else, of course, nagtext muna ako kay Kuya.

Mga 10 am ata ng umuwi ako para makapagprepare sa date namin ni kuya, nakakatawa kasi sa araw-araw naming pagkikita ni kuya, I am trying to look different. Iba ibang ayos ng hair, iba-ibang fashin sense..hindi naman ako confuse kasi dati ko pang naconfirmed na confuse ako..WAPAK! hahaha

Maaga ang out ni kuya from review at dumiretso siya ng Quiapo para bumili ng damit sa darating na family affair. Masaya ako kasi medyo mahaba ang oras namin togather..Tapos since nakauwi na kami pareho, we decided to meet at our own "Luneta", ang Pure Gold Mabuhay Tejeron. Hay naku, mga simpleng texts n'ya pero halos lahat ng reply ko meron special :I love you kuya" or "mahal na mahal kita kuya"..OA di ba?! hahah

So nagmeet na nga kami sa Pure Gold, tapos sumakay sa trying hard na Aircon Jeep(hahah).. Eyo na ang masayang part..Take note..tinted, Aircon..sarado..walang ibang utaw(tao)..2 lang kami..hahhaha..eh di wala..hugs and kiss lang..kala n'yo ha..hahahah Imagine!! ako walang bastos na nagyari..hahahaha Hindi ko alam bakit, pero wala talagang nangyari..Kiss lang talga..ngayon medyo torrid lang pero hindi french kiss..Tumagal lang for 5-10 minutes ng ganoon kasi syempre hindi naman namin alam anung biglang lalabas..hahaha tapos dumating si myoderlyhood(nanay) na wanderer ata pero infairness looks sosy..so tame muna kaming dalawa..matagal din bago umalis ang jeep..mga 20min ata..pero sana nga tumagal pa kasi kung makaupo kami ni kuya parang passenger seat ang drama..kung pwede nga lang kumalong ke kuya baka ginawa na din namin..hahaha..

Pagdating sa Greenbelt, daan muna kami church, pray ng konti.. syempre, thankful pa din kami kay God for giving us each other..(gets?!) hehehe..Pero totoo..pinagdasal ko muna mother ni Ish tapos sinama ko na yung sa amin ni Kuya..after n'un since mahaba pa ang oras, nagkyombai(tambay) kami dun sa Greenbelt 5 sa may hagdan-tambayan..Sabi ko picturan ko naman siya para kay Yoan kasi hindi n'ya pa nakikita si kuya baka akalain psuedo boyfriend..hahaha..nung una, nahihiya pa si kuya,gusto pa nga ni kuya ako muna daw..nahihiya kasi siya..tapos noon may I picture na nga kami, bomggang pictures..cute ng mga kuha ni kuya sa akon..at kami din, gaganda ng mga pictures naming dalawa..after 20-30min naglakad na kami paoffice..habang naglalakad kami, nag-iisip na kami saang Mang Inasal kami kakain..Habang nag-iisip kaming dalawa, niyaya ko siya sa office kasi kailangan ko maglog-in..tapos pagdating duon since maaga pa, nagMcFloat kami ni Kuya and since siya ang taya sa dinner namin..ako na bumili ng Mcfloat namin..As usaul may I tanggi na naman si Kuya..pero agreement dapat sharee..hehehe aba naka 3 kiss na naman ako dahil sa Mcfloat..sarap ng feeling..sarap ishare lahat ng bagay with your special someone.



Go na nga kami sa Mang Inasal..Pagkaorder namin ni Kuya, duon kami pumwesto sa left side ng kitchen ng Mang Inasal sa likod ng counter nito. 2nd table sa harap ng unang table from wall na may Aircon na tumutulo sa itaas at 2nd table kung uupo ka sa may bintana, in other words, sa kulob na lugar..hahaha

Siguro naman maiisip ng makakita sa amin na mogBoa kami kasi magkatabi kami sa upuan..hehehe syempre hugas kamay muna..tapos pag-upo..titigan tapos paslant na umupo malapit sa face ni kuya..then..wapak..SMACK..hehehe mabilis lang yun kaya bagalan n'yo na lang ang phasing..hahahah mabilis pero ang tamis..at ang sarap..parang yosi din..naiiwan ang amoy..grabe..at may nakakaita sa likod namin since nakaharap kami sa wall..at kinakanta ang "hahanap-hanapin mo" hahaha Kumain na kami..bago magstart..nagsign of the cross at si kuya eh nagpray..after nun,anu pa ba..syempre..kiss uli..hahah ginawang pampagana..hahaha pero oo ginanahan talaga ako ng bongga kasi naka 3 1/2 akong rice at rice ni kuya..hahaha samantalang si kuya..half rice lang..duga..hahaha Grabe..dami kong gutom..hirap mag-inhale pero with kuya, I can be who I am..no pretentions..lahat totoo..ang saya..kahit na with him I feel dreamland..

Hinatid na ako ni kuya..Bago pa kami tumayo sa kinauupuan namin..Nagdesert ako ng another smack..heheheh.."so nag "thank you"-han uli, tapos sa office gusto ko pa mag-goodbye kiss..Hindi namin magawang magkiss sa entrance di ba..hahah daming nakafile na nag-aantay ng taxi..sabi ko CR muna kami tapos uwi na siya..pumayag naman si kuya..wala naman kaming gagawing espesyal sa CR(may disclaimer..hahah)..gusto ko lang maggoodbye kiss..Promise..hahahaPagpasok ng CR..wapak..queueing din..kakainis..wala nag-ayos lang ako ng mukha..at si kuya ang nagwiw..pero na manage pa rin naming magkiss ng walang nakakaalam..di ba?! bongga..as in..

Sobrang saya..lalo na ang mga halik moments on the side..Perfect?! I can't wait to have our 5th date..actully tapos na..hahaha

Sabado, Hunyo 4, 2011

3rd day and counting..Mabuti na lang Tier 2

Hay naku..nakakainis..ang haba pa naman ng ginawa ko tapos hindi naman pala nagreflect ang post ko ng 3rd date namin..waaaaahhhh (plangag?!pok pak?!). Ang hirap pa naman iremember ng dapat na ipost ko..waaaahhhhh..

Anyway, isusulat ko na lang uli, I will attempt to think of the same way i make kwento(I make kwnto..hahahah).

we are on our 3rd date from our 4th day old relationship (hahaha sisiw, 45 days)..but the iron is still hot(char!)..oo nga as in sobrang init na kahit change of wheather ay nahihiya sa kainitan namin..sa totoo lang I miss him every Day, every hour, every minute, every seconds and ever ready battery(char)..oo, sobrang miss ko talaga si kuya, kahit nga magkasama kami miss ko pa din s'ya..OA but true..Alam ko naranasan n'yo na din yung mamiss ang isang tao kapag kasama..dalawang bagay, either miss mo s'ya kapag kasama dahil may coldness when your together..or so intense the love, that even in physical world your still missing a part of him(oha, oha..kaboom!)..Abnormal? oo no, I am proud(haha)..bonggang kaOA-yan man pero totoo at mabuting bagay yun para sa akin kasi I am still thinking of a lot of things to make him smile..(pampakilig baga!)..

eto na, after our second date na kinunsidera ko na lang na magin 2nd date..syempre gawa na naman akez ng way to meet each other..so pagdating ng bahay..may I text ako kahit katatapos palang namin magkita..hindi ko na mailagay ang text messages namin kasi maypagka daot tong android ko..kailangan palang iset ng bonggang number of messages sa thread eh hindi ako inabisuhan(hahaha nanisi ng cell phone)..

well of course nagsimula, "thank you kuya, love you so much..miss you so much, kelan tayo kita"..pero kahapon lang kami huling nagkita..hahahah

so ayun na nga so since hindi ko na macapture ang text messages ek-ek, hindi ko na s'ya maipopost dito basta eto ang simula bakit nagkaroon ng 3rd date.

Dahil nga I am so into Kuya, pagkauwing pagkauwi ko at pagkagising namin, may I ask ako ng schedule ni kuya sa Tuesday, at sabi naman niya na 5pm out n'ya from review. at ang pasok ko ay 7:30pm, hala gustong gutsto ko makita si kuya pero ang aming time ay isang malaking hadlang..kasi naman biyahe from Sta Cruz Manila to Makati ay hindi di biro, maghapong naka upo..hahaha.. paano ba naman kahit manila lang aabutin ka ng 1-2 hours sa biyahe..Pero i came to a plan.."Early Lunch"..waha bilis ko makaisip ng way..malaking tulong talaga ang pagiging Tier 2, dami options..hahahah

So pumayag na nga si kuya..so May 31, hapon 5pm na pero wala pang text si kuya..ayoko pwersahin si kuya baka biglang magclash of the titan..may I wait lang ako..eto na nagtext 5:16pm nagtext si kuya..kakatapos palang ng review papunta na daw siya..Yehey, bongga at confirm na confirm na ang date..so ako naman ang nataranta..hahahah hindi pa pala ako nakakaligo..hahaha mabuti na lang eh may lahi akong the Flash na ang bilis maligo..wahaha ewan ko ba maypagka atat akong tao, lahat minamadali ko..(obviously, ang aking pag-ibig ay 1 day processing lang..hahahah)..

so may I go na ako sa office ng 5:20pm. along the way, nagtext si kuya. "paano ba pumunta dyan from bukid?." So ako naman, gumana na naman ang pagiging tier 2 nagbigay ng options

1. "Kuya mag LRT ka na lag hanggang Buendia LRT: (sa option 1 may options pa hahaha)
     A.   at sumakay ka ng jeep paPRC. Tatawid ka pagbaba mo ng LRT papuntang Wendys sa tabi ng Goldilucks meron ng jeep dun. tapos baba ka ng Export Bank Bldg katapat ng Mcdo bago tumwid ang jeep sa Buendia. (pasensya na hindi ko nakilala ang barter na nagtatawag sa jeep pa PRC.)
     B.  at sumakay ka ng jeep paGuadalupe. Tatawid ka pagbaba mo ng LRT papuntang Wendys sa tabi ng Goldilucks meron ng jeep dun. Tapos baba ka ng Crispa, pala tandaan ay Tropical Hut, yung katapat ng Makati Medical Center na katapat ng Makati Post office at Katapat ng RCBC Bldg.

2. "Kung sa bukid, sakay ka lang ng paGuadalupe or Burgos, tapos baba ka ng pasong tamo or PRC at sakay ng paMantrade. Baba ka Export Bank Bldg tapos lakad ka tatawid sa pagitan ng ministop at Mang inasal.

'Di ba? bongga sa details, sorry na lang kung maypagka details ha, ayoko naman mawala ang pag-ibig..hahaha..Oo nga pala infairness kay kuya ayaw maging hadlang sa trabaho, tinanong n'ya ako if ok lang ba sa work ko mag-early lunch..kasi ayaw naman n'ya masira ako sa work ko because of him..Aiii!! mega concern si Kuya.. Love it..

Dumating ako sa office 5:45pm at akyat ako sa office, pull up ng break scheds at nagtext kuya, "asa Export bank bldg na ako". gusto ko sanang biruin "anung ginagawa mo dyan, sabi ko baba ka lang sa tapat?" kaso baka magalit at macancel ang date. So syempre, may I taranta ang lola, reflenish agad ng fez at may I ask sa'n tayo kakain? sabi ni Kuya hindi n'ya "ikaw." sabi ko maliban sa akin. Saan pa? Char..

So nagtagpo kami sa baba, ng walang alam saan kami kakain, so lakad kami pa Mashdu(McDo) tapos change of mind. Walk naman kami pa Kepsi(KFC) at sudden change again, may I suggest Mang inasal..so walk naman kami pa Mang inasal, tapos change of plan kasi concern si kuya sa oras ng work ko hindi sa akin(hahah joke lang kuya) so we came up na magTokyo Tokyo kami..Sabi ko sige rice all you can din naman yan.

eto na may bago akong nadiscover kay Kuya, maypagka Basketball player itong si kuya, magaling mag assist..Paano ko nalaman? eto:

Ako: Saan tayo kakain?
Kuya: Kaw? (1 powent)

Ako: McDo?
Kuya: Kaw?(2 powent)

Ako: anu ba gusto mo kainin?
Kuya: Kaw(3 powent)

Ako: Maliban sa akin(feeling..hahaha) KFC?
Kuya:ok lang, Ikaw(akala ko pa naman maiiba na, hahaha)

Ako: alam ko na Mang inasal, para madaming extra rice
Kuya: 'Kaw (diet ako sa rice, sa loob loob) (nakialam na ako ng niloob ni kuya)

Kuya: ok lang ba sa oras mo, lapit ka na magsmula.
Ako: OO nga, sige Tokyo Tokyo na lang tayo, rice all you can din naman d'yan. (hindi pa ring maalala na diet si kuya sa rice)

Akala n'yo ba tapos na ang assist? Eto pa:

Sa loob ng Tokyo Tokyo:
Ako: Anung gusto mo?
Kuya: kahit anu, kaw na bahala..(4 powent)

Ako: Sige upo muna tayo habang pimipili ng food.

Si kuya kasi nahihiyang hindi magshare sa labas namin, sabi n'ya may family kang pinapakain at tama lang naman sa relasyon na share. Kaya ayun puro s'ya 'kaw' kasi hindi man n'ya sabihin obvious na nahihiya s'yang hindi magshare.

Ang akin naman, kami naman on the first place. May mga tao akong nililibre kahit hind ko karelasyon, at mas dapat naman na ishare ko sa partner ko ang blessings ko..sabi ko naman na hindi naman libre yung ginagawa ko, kung anu mang bilhin ko para sa kanya o para sa amin, eh reward ko yun sa sarili ko na makakain kami together masaya ako. at alam ko naman darating ang time na pagnagwowork na s'ya, gagawin n'ya din sa akin yun. pero hangga't wala pa kung sinung meron muna..(arte ko noh, puro explanation..san ba malapit na baranggay?makapagreklamo kay kapitan..hahaha)

Eto naman talaga ang climax:
Sa Tokyo Tokyo, duon kami umupo sa malapit sa bintana, malapit sa pinto at katapat ng mga cashier. Namimili ng food, tinanong ko kung anong gusto ni kuya sabi nya kahit anu. Nakaorder na kami, kaya lang bothered ako dun sa isang cashier na nakatingin sa amin, ayun pa lang nakatingin lang sa amin pero ang iniisip mas malalim pa sa bangin..hahaha..eto pa..lahat ata ng cashier dun ganun kasi pagtapos ng isa, yung katabi naman n'ya ang parehong nakatingin sa amin pero malayo naman talaga ang tingin..hahahah

Eto yung totoong climax:
Hindi pa nadating ang food namin, kwento kwento, eh syempre pacute tapos sumimpleng smack kami..grabe..bakit kapag hinahalikan ako ni Kuya, paulit-ulit kong nararamdaman ang kuryente mula talampakan hanggang bumbunan ko..promise..kung pwede nga lang magcharge ng batery sa akin eh baka full charge at may excess pa..hahahah nakakatawa kasi unknowingly, deadma kami sa mga tao kahit na may nakakakita,although pa isa isa lang naman nakakakita sa amin..at si Kuya, super nahihiya talaga..hahaha Dumating ang food.konting usap..tapos kiss uli.."thank you" lang ni kuya, masaya na ako, yung may kiss pa..bongga..parang gusto kong umorder ng umorder para maka dami ng kiss, hahahah. Maka ilang ulit, siguro kung mabibilang ko ng tama..apat na beses kaming nagnakaw ng halik sa isa't isa...hahahah

Eto pa, kasi nga si kuya eh naging "man-of-the-hour" sa office namin, halos lahat ng kakilala ko gusto siyang makilala..so may I use ako ng unli ko at tinext ko lahat ng gusto makilala si kuya na "kasama ko ngayon si Bowa(Jowa) asa Tokyo Tokyo kumakain". at eto na nga, halos lahat ng agents ko dumaan sa tokyo tokyo at syempre pinakilala, yung iba naman may I kaway lang..hahah celebrity..wapak..hahaha at isa kong friend naman tinatanong kung saan ko nabili si Kuya at magkano..hahaha ang sama..

Matapos namin kumain, gusto ko naman mag-ice cream, so like I said, ayaw ni kuya na di share, so si kuya sumagot ng ice cream namin, ako naman ang nagthank you at simpleng kiss.. Naglalakad kami papuntang Export Bank Building, usap usap..kung anu ang next date namin,si kuya nga nagsabi na bukas ako naman sa Mang Inasal..yahoo..confirmed na meron na nga kaming 4th date..yehey..saya ko ng sobra.siguradong magkikita uli kami bukas..heheheh

so close na ang 4th date namin ni kuya..sa Mang inasal..

Bago siya sumakay ng Jeep may binigay sa akin si kuya




Sabi ko, baka food mo mamayang gabi yan, sabi n'ya binili n'ya daw talaga sa akin yun, yessss kilig..kaya hanggang ngayon asa akin pa din yun plastic ng pagkain..heheheh Ang nakakatawa, nung pasakay na si Kuya gusto niyang humalik sana at ako din for us to find out..traffic at madaming nakatingin sa amin kasi close kami ni kuya, hahaha so end up nagkiss kami ni kuya pero sa Text na lang "muawaah, I love you kuya"..

Martes, Mayo 31, 2011

On our 2nd Day..

Hay buhay..sa ikalawang araw na pagiging kami ni kuya..hindi pa din ubos ang effect ng love..Bongga! talo pa ang init ng bulkan..at ang ngiti parang permanent tattoo hindi mabura..haha

Anyway, yun nga..2nd day na ang aming 1-day process na pag-ibig pero pareho pa kaming sabik sa isa't isa, sa wholesome na kembot ha, hindi sa malaswang isipin (disclaimer, haha).. Hindi ko alam pero gusto ko lagi syang makita at makasama..palagi ko nga siyang pinapasimplehang paringgan na magsama na kami..haras na talaga ko hahaha.

after watching the movie, inaasahan kong matagal pa kami magkikita, mga next month..sad pero kailangan magtiis..pero kaengotan ko, May 29 na pala, mga 3 araw lang pala paghihintay ko June na..hahaha

Feeling ko matatagalan pa meet up uli namin kasi uuwi siya sa hometown niya dahil aatend siya ng kasal ng pinsan niya..sinubukan ko itanong if gusto niya kami magkita..eh sagot ok lang..so pinilit ko siya..eh kaso labas niya 7pm at ako ay may pupuntahang intervow(interview) ng 11pm..so minanage ko talaga na magkita muna kami bago ko pumunta sa intervow.

Hindi na ko nagdinner kasi may I alok na naman ako na dinner together however, nakakain na pala siya sa 7/11 at nag inihaw as his dinner, medyo diet kasi si kuya(love you kuya)..hahaha so end up ako na lang ang magdidinner with him..gusto ko nga sana ioffer kahit drinks lang pero sobrang makatanggi..ayaw talaga to the max..so deadma, as usual, sabi ko sa 7/11 na lang ako kakain..sabi ni kuya wala daw ako makakain sa 7/11 so nung magkita kami sa 7/11 mega lipat kami sa bagong Luneta (Pure Gold Delpan)..

Pasok kami sa Pure Gold, check namin ang mga pwede kainan..puro light food lang..buti na lang sa labas ng Pure Gold meron Harvey's na fast food so duon na lang kami pumunta..gutom na gutom na ako nun..namulsa ako kasi sa sobrang gutom nanginginig ang mga kamay ko..hahaha so umorder ako ng chicken with supageti plus extra rice and sarsi na walang yelo..

pagkabigay ng fud may I grab agad ako at parang batang may kaagaw sa fud..Tinanong ko si kuya if ok lang sa kanya..sabi niya ok lang daw, sabi ko yung tinutukoy ko na ok eh yung pagsamahin ang kanin at supageti kasi inuulam ko ang kanin sa supageti..ay inuulam ko ang spag sa kanin pala..

9:20pm na nun ay nasa makati pa ako at meron pa akong intervow sa Ortigas ng 11pm. Deadma, mas mahalaga ang pag-ibig since may trabaho pa naman ako kaya option lang naman ang magpaintervow, pero ang totoo ninenerbyosness na akez na baka malate ako..hahaha (takot akong malate lalo na kung unang araw ng meet up) kasi first impression last para sa akin.

Anyway, yun na nga..pagkatapos kumain..3minutes na pahinga then we set to sail..paalaman na..eto ang climax.

Siyempre paalaman na ito, nag-aantay kami ng jeep at meron nakatambay na Guadalupe,sad ako kasi wala man lang goodbye kiss :-(, pasakay na ako kaya lang nakita niya ibabaw eh dapat ilalim para hindi na ako tumawid(char! nagpaliwanag talaga haha)..so dumaan ang jeep, sa labas ng Pure Gold, meron gater, pumwesto kami sa gitna ng 2 bagay, yung sa kaliwa malaking palayok na may halamang giant bonzai na malago ang dahon at yung sa kanan naman eh yung billboard ng mga kagawad at chairman na medyo lifesize naman..eto na..eto na talaga..pag harap ko lumakad si kuya sa harap ko at hinalikan ako sa labi at kunwaring napadaan lang..simpleng kiss pero umakyat mula talampakan hanggang bumbunan ko ang kilig ko..pwedeng pwede na umalis dahil tapos na ang inaabangan kong kiss..hahaha may dumaan ng jeep papunta namang Burgos, so deadma uli, sa likod eh may sumunod na jeep ng Guadalupe ilalim na this time.. so nagpaalam na ako.. at sumecond kiss pa..hehe super enjoy talaga ang gabing yun..parang gusto ko nga sanang di sumakay para makaisa uli..pero nahihiya si kuya at naiilang na..hahah

End up, di ata naging maganda intervow result..hahah

Lunes, Mayo 30, 2011

Ang Aking Bagong Pag-ibig (Awwww!!!)

Tama lang talaga ang pinangalan ko sa Blog ko eh. Grabe sa sobrang tagal ng paghihintay ko sa pag-ibig, isang araw lang pala ang kailangan para maclose ang deal. May 27, Friday, isang maulang dapit hapon mga bandang 6:54 PM ng gabi (hindi naman masyadong eksakto, medyo nakalimutan ko ang segondo), nag-simula ang lahat.

Nagmula ako sa maraming heartaches at ewan ko pero hindi ako nadadalang sumugal sa pag-ibig. Hindi rin naman ako naniniwala sa "getting-to-know" stage dahil mas gusto kong gawing yun along the way.

Ganito ang nangyari ng hapong iyon. Naglalakad ako papuntang Agusto Francisco mula sa Onyx street nang may humaharurot na isang jeep papuntang Burgos ang pinara ko. Weird, ako yung taong ayaw sumakay sa jeep na konti ang laman kasi paniguradong madaming stop-over na gagawin yun. Pagkatapos may 4 na taong sakay, 1 babae, at 3 lalaki. 2 sa 3 lalaki eh magkaibigan so yung isa para sa akin (joke lang). Nung una, hindi ko napansin yung hombre kasi mukhang hindi accommodating(btw yung tinutukoy ko yung walang kasama). Nagpalinga linga ako, sinusubukan kong makapenetrate sa aura ni kuya pero mga 3 times bago niya ata nahalata na meron akong pakay, mahalay na pakay sa kanya. medyo, nagkakatitigan na kami ng makailang ulit ng naging magkatapat na kami sa upuan dahil bumaba na yung bilat(babae) sa tabi niya sa may dulo ng jeep at since outcasted naman ako dun sa left side ng jeep, tumapat ako sa kanya, hindi pala tumapat, tinapatan ko siya. para akong may sakit na 'Iling',yung sakit na 'to-the-left, to-the-left' ang pihit ng mukha. tapos sulyap sa kanya. Nararamdaman ko na na-aawkwardan na siya so dinaan ko sa, yung pokpok na smile para di siya mailang. And it works! Presto and he is simply smiling back(Wapak!). Sure booking na mga ateh! So, tumagal kami ng paganun-ganun lang. From Pasig line, hanggang Mabuhay, Tejeron puro ngisian lang ng ngisian kaming dalawa. May I wet pa ako ng lips ko sa harap nya para magopen sya ng conversation pero hindi pa rin sya nagmove. Parehong walang nagsesecond move, sabi ko 'Pakshet, like ko 'tong guy kaya lang awkward kung bigla kaming mag-usap kasi nanduon pa ang mga bagets.

Ang ginawa ko, kinuha ko ang scratch paper sa bag ko at isinulat ko ang "LUI 09**********" . eto pa nakakatawa..Hindi ko kabisado number ko kaya tiningnan ko pa sa Nyelat(Cellphone) ko yung number. Pinasimplehan ko ang abot kay guy kasi pababa na sya. Gusto ko sanang bumaba kaya lang 7:30pm shift ko at baka malate ako, kaya lang takot akong hindi magtext ang hombre. Idinaan ko sa dasal ang lahat pagbaba ni guy. lumagpas na kami ng Simbahan, lumagpas ng Tejeros, bumaba na ako ng Pasong Tamo, nakasakay ng Mantrade, nakababa ng Export Bank Building, naglakad pa-office, nag-log-in sa DTR, nagpull-up ng breakscheds ng mga agents ko at nagfloor walk pero sad..walang text..Sad talaga ako, inisip ko baka ayaw nya sa akin..

So move on, nagfaflag ako ng agents ko ng kaboom nagtext ang hombre..hindi ko na eksaktong maalala ang text at wala na din sa thread yung pinaka unang text nya :'( . Ang naalala ko na lang is "Hi Lui, kararating ko lang ng hauz, miko here". This is it ! so reply agad ako..hahaha after some texts inoffer ko kung pwede ko siyang tawagan. And he said yes. Sabi ko sa sarili ko..icoclose ko na to tutal madami naman may gusto ng voice ko over the phone..wahaha(yabang)..but it works again.. we then became textmate. and ang unang intensyon ay makipag-do lang sa kanya pero during our texts and phone calls we never talk about S**.

Kinabukasan, i try to meet him up sa Rob Ermita and he agreed. Sabi ko 2pm since galing naman sya ng review. Kaso nung nakita ko ang 1 of my best freinds sa office na si charm, palibhasa'y galing ng Davao for less than a week, nagkwento at nagpakwento ng bonggang bongga about her activities sa Davao ang sa kanya at ang akin eh yung status ko sa FB about me thinking of moving out of the company. Nagtext ako sa boylet kung pwede Sunday na lang para magsimba na kami. Pumayag initially pero after a while he realizes may lakad pala sila ng family nya..nasad ako sa pagkadaot ng friend ko but namiss ko din naman s'ya at since excited naman akong ikwento pati encounter ko kay boylet..

Pagkatapos ng madaming sharing of stories namin ni charm,tinext ko si boylet kung anu nalang plan nya since hindi na kami magkikita..sabi nya punta na lang daw syang Glorietta, so sabi ko daan na lang ng office at sabay na kaming uuwi..sabi nya ako na lang Go sa Glorietta since hindi nya alam office ko..so Go nalang ako..dun kami nagkita ng hindi pa ako nakaligo ng araw na yun..nagreflenish na lang ako..At eto na..nagkita kami sa may Mcdo Glorietta yung malapit sa gitna..and ayun..nagsabay lang talaga kaming umuwi..Wa na Istrol-istrol..usapan kasi sabay lang umuwi.eh hindi ko naman alam na literal palang sabay kami uuwi..pero oks lang..hindi pwede magdemand kasi hindi naman kami..hahaha so umuwi na kami..yun na yun!hahah

So naglakad kami paLandmark at doon naghintay ng Makati Loop, kasi ang terminal n'un eh sa Pure Gold malapit kala hombre. 'Pag sakay namin sa pinilit maging Aircon na Jeep, doon kami sa pinaka likod(yung estribo ng regular na jeep) nagsiksikan kaming 2, pareho kaming healthy at ang katabi namin both sides eh matandang reklamador at bilat na walang care pero parehong portruding ang mga tuhod kaya hirap umupo..pero I must say naging pabor sa akin..hahah Hindi pa kami ng guy pero nakahawak na sa 28inches kong bewang..hahaha at ako eh nakapatong ang elbow sa mga hita..hahaha take note..hindi pa kami..hahaha

Tapos nun, pagdating Pure Gold, wala lang, pinasakay agad ako ng Jeep pa Bukid, Taft..text text uli..sa bahay pahinga pero magkatext..eto na, the moment of truth,hehe eto ang actual Text namin:

Putol na 'to from the start of our text pero eto yung trail nang naging kami.
Ako: Oo..d2 nKo bahay..
      ..mgcocoffee..buti nlng..

Kuya: =p
      coffee pangpatulog mo?

Ako: Ndi po..ndi kasi ako ma22log..higa lng ako..
      rest lang ok nko..miko..pde b magtawagan tayo
      ng para sa atin lng..

Kuya:Ok lang..

Ako: Kaw po..nu gusto?

Kuya: Gusto ko?Ikaw.. Haha

Ako: Tatawagan kita gamit yung isa kong
      number ha..wait

Kuya:Ok.

Usap over the phone then Text again:

Ako: Maliligo na din po ako mmya ng
     konti..madaming thank you po uli..

Kuya: Sige po Kuya =)
     haha..

Ako: :'( Duga mo nmn..sige kuya nlng
     tawagan natin kung gusto mo..haha

Kuya: Hahaha. Ok lang, =p
     Cute naman ng kuya ko.

Ako: Mahal ko nmn Kuya ko..
     Gwapo pa..

Kuya: Haha. Love you too kuya..

Ako: Buti nlng 28 ngyn..atleast lht
     ng bwan meron 28..sayo ko ngyn..
     does this mean we are official..now ;-)

Kuya: ;-)

End of Text

Wahahahah ayun.. 28th of May was the official day na naging kami.. Bonnga.. Well as the song say "Love moves in mysterious way".

Happy? Very much happy and inlove..

so yun yung nangyari..minsan talaga ok lang maging malandi kung para naman sa mahabang kaligayahan..why not try?

Totoo na 'to ito ang simula pagtapos ng simula(gets?)

Sa wakas nagawa ko rin magBlog. Hindi naman ito isa sa mga pangarap ko pero daan para xmaalala ko ang mga gusto kong gawin sa buhay ko.

Sa mga magiging mambabasa ko, feel free to comments, suggests or react to all my entries. Democratic country naman tayo..one thing for sure, hindi lahat ng grammar ko tama..at 'wag sanang magalit ang mga taong may kinalaman sa "wika" o "language" kung improper ang paggamit ko ng tagalog o/at english..walang basagang trip..hehe

Lahat ng mababasa nyo eh puro tsismis ng buhay ko o mga naencounter ko sa pangaraw-araw na buhay..hindi ako magpopost ng naikwento lang kasi ayokong manghimasok ng buhay ng may buhay..hahaha pero ang totoo takot akong maaway..

Masaya ang buhay,pero depende rin sa mga buhaybuhay natin yan..eh ang akin masaya eh..haha

So, I will enjoy using this blog as my journal, diary and way to express my emotions..

Have a wonderful reading..this is me Lui Punongbayan..

'Kaw Na!!

Ang Panimula ng kakembangan

Mabuhay!(eto na yung simula!)

ok next entry na! wapak!!