Martes, Mayo 31, 2011

On our 2nd Day..

Hay buhay..sa ikalawang araw na pagiging kami ni kuya..hindi pa din ubos ang effect ng love..Bongga! talo pa ang init ng bulkan..at ang ngiti parang permanent tattoo hindi mabura..haha

Anyway, yun nga..2nd day na ang aming 1-day process na pag-ibig pero pareho pa kaming sabik sa isa't isa, sa wholesome na kembot ha, hindi sa malaswang isipin (disclaimer, haha).. Hindi ko alam pero gusto ko lagi syang makita at makasama..palagi ko nga siyang pinapasimplehang paringgan na magsama na kami..haras na talaga ko hahaha.

after watching the movie, inaasahan kong matagal pa kami magkikita, mga next month..sad pero kailangan magtiis..pero kaengotan ko, May 29 na pala, mga 3 araw lang pala paghihintay ko June na..hahaha

Feeling ko matatagalan pa meet up uli namin kasi uuwi siya sa hometown niya dahil aatend siya ng kasal ng pinsan niya..sinubukan ko itanong if gusto niya kami magkita..eh sagot ok lang..so pinilit ko siya..eh kaso labas niya 7pm at ako ay may pupuntahang intervow(interview) ng 11pm..so minanage ko talaga na magkita muna kami bago ko pumunta sa intervow.

Hindi na ko nagdinner kasi may I alok na naman ako na dinner together however, nakakain na pala siya sa 7/11 at nag inihaw as his dinner, medyo diet kasi si kuya(love you kuya)..hahaha so end up ako na lang ang magdidinner with him..gusto ko nga sana ioffer kahit drinks lang pero sobrang makatanggi..ayaw talaga to the max..so deadma, as usual, sabi ko sa 7/11 na lang ako kakain..sabi ni kuya wala daw ako makakain sa 7/11 so nung magkita kami sa 7/11 mega lipat kami sa bagong Luneta (Pure Gold Delpan)..

Pasok kami sa Pure Gold, check namin ang mga pwede kainan..puro light food lang..buti na lang sa labas ng Pure Gold meron Harvey's na fast food so duon na lang kami pumunta..gutom na gutom na ako nun..namulsa ako kasi sa sobrang gutom nanginginig ang mga kamay ko..hahaha so umorder ako ng chicken with supageti plus extra rice and sarsi na walang yelo..

pagkabigay ng fud may I grab agad ako at parang batang may kaagaw sa fud..Tinanong ko si kuya if ok lang sa kanya..sabi niya ok lang daw, sabi ko yung tinutukoy ko na ok eh yung pagsamahin ang kanin at supageti kasi inuulam ko ang kanin sa supageti..ay inuulam ko ang spag sa kanin pala..

9:20pm na nun ay nasa makati pa ako at meron pa akong intervow sa Ortigas ng 11pm. Deadma, mas mahalaga ang pag-ibig since may trabaho pa naman ako kaya option lang naman ang magpaintervow, pero ang totoo ninenerbyosness na akez na baka malate ako..hahaha (takot akong malate lalo na kung unang araw ng meet up) kasi first impression last para sa akin.

Anyway, yun na nga..pagkatapos kumain..3minutes na pahinga then we set to sail..paalaman na..eto ang climax.

Siyempre paalaman na ito, nag-aantay kami ng jeep at meron nakatambay na Guadalupe,sad ako kasi wala man lang goodbye kiss :-(, pasakay na ako kaya lang nakita niya ibabaw eh dapat ilalim para hindi na ako tumawid(char! nagpaliwanag talaga haha)..so dumaan ang jeep, sa labas ng Pure Gold, meron gater, pumwesto kami sa gitna ng 2 bagay, yung sa kaliwa malaking palayok na may halamang giant bonzai na malago ang dahon at yung sa kanan naman eh yung billboard ng mga kagawad at chairman na medyo lifesize naman..eto na..eto na talaga..pag harap ko lumakad si kuya sa harap ko at hinalikan ako sa labi at kunwaring napadaan lang..simpleng kiss pero umakyat mula talampakan hanggang bumbunan ko ang kilig ko..pwedeng pwede na umalis dahil tapos na ang inaabangan kong kiss..hahaha may dumaan ng jeep papunta namang Burgos, so deadma uli, sa likod eh may sumunod na jeep ng Guadalupe ilalim na this time.. so nagpaalam na ako.. at sumecond kiss pa..hehe super enjoy talaga ang gabing yun..parang gusto ko nga sanang di sumakay para makaisa uli..pero nahihiya si kuya at naiilang na..hahah

End up, di ata naging maganda intervow result..hahah

1 komento:

  1. Go lang ng go...Goodluck sa relasyon..Makapara ng ng humaharurot na jeep mamaya..

    TumugonBurahin