Miyerkules, Hunyo 8, 2011

Our 7th date..Short but breathtaking

Sa mga reader..hindi sa hindi ako marunong magbilang..nagkataon lang na napakabonggga nitong moment na ito kaya inuna ko na..

Trust me..nakakakilig talaga to kas upto now..i can still remember every bit of it..(char!)

Ok..pwede na..simula na..(hahaha)

Nagising ako sa sleeping quarter feeling uncomfortable dun sa hinihigaang kong 1st deck ng double deck na katapat ng pintuan..Hay naku sa sobrang di ganda ng gising, like my daily routine, may I check ako ng nyelat(cellphone) ko..at CHARAN!! May text si Kuya saying 'I Love you more kuya' ..so syempre reflex na ata ng katawan ko ang magreply..Ang bilis ng MATA ko telling my BRAIN to to process, tapos si BRAIN telling my HEART to feel love and my HEART giving my HANDS to reply nice and sweet words..O 'di ba, ngfunction well kahit 3 hours sleep lang ako..hahaha

Tinanong ko si Kuya, if pwede tumawag since sinabi niyang inaantok pa siya, i was thinking of inspiring him.. Pero hindi siya agad nagreply :-(.. Binasa ko nga uli ang text niya:

Kuya: Di pa po di pa nga ako
          naliligo eh. Tinatamad ako :(
          pero kaylangan

Nag-slytly emote ako:

Ako: Kuya..bakit ka tinatamad ka?
         twag ako?oks lang.ba?
                     -6:56AM,Jun 8

Ako: Hindi nako pinansin..huhu
                     -7:02AM,Jun 8

Pero i was thinking na baka naligo na siya, at 7:11AM,Jun 8 nagtext na sabi:

Kuya: Geh po

So may I tawag agad ako..asa operations floor na pala ako nuon ng tumawag ako kay kuya papuntang pantry at wala na sa sleeping quarter..sbi ko kasi ke kuya na uuwi na ako at sa bahay na lang ako magfofollow up ng tulog ko..ETO NA!(magic word).Kumustahan ng tulog, ng gising pati ang future ay kinumusta na namin sa isa't isa..hahaha Tapos pumasok sa isip ko at inattempt ko naman itanong kay kuya..inisip ko kung pwede ba kaming magsabay..ako pauwi at si kuya papasok naman..in short, ihatid ko sana siya..hahaha Ang plan is to meet him sa Pure Gold(na Luneta namin) tapos sabay na kami papunta LRT pero sa Buendia..Ang plan naman pala ni kuya ay kita kami 7/11then sabay lang kami sa Jeep papuntang Pedro Gil..Hindi pa talaga buo ang plan namin kasi naisip lang talaga at hindi naman namin talaga usapang magkikita ng umaga..since paglalambing lang naman ang akinat kasabikan ko sa kanya kaya ko naisip yun pero since ok lang kay Kuya, GO na kami sa meet up! hehehehe

Eto nakakatawa..nung pumayag na si kuya..saka ko narealize na wala na pala akong Andakels(pera)..yung 2humer(Php200) ko pala eh napautang ko na sa mga friends ko at ang alam ko may 1humer(Php100) pa ako sa ATM..so may daot sa meet up..hahaha pero alam ko nasabi ko din ata pati yun..hahaha I tried..i tried so very hard na pasukahin ng 1humer ang ATM machine..pero wala atang morning sickness ang machinery..hindi ko nakuha sa pouting lips ang machine..hai..so syempre si kuya naghihintay na..so may I claim ad look for a hero..hahaha Go agad ako sa 5th floor ng office namin ng walang idea sinong lalapitan..Aba, a help from heaven..Nakita ko na ang mighty savior ko..with white aura all over her body..si Raquel, tier 2 Dominique..(hahaha nagpromote) to save the day..May I utang ang lolo mo ng 1 humer..Pagdukot, WAPAK!!! eksaktong 1humer nakangiti sa akin si raising his eyebrows with pouting lips..hahaha sabi ko na lang kay Raqui "nakatakda talaga na ipahiram mo siya sa akin(yung Php100)..hahah pagkagetlak(kuha) beso, thank you, babush..flysung(alis) agad..hahaha wa' na keme keme..nagmamadali na eh..hahah(walang utang na loob) saka na bawi at plastkan..hahaha (joke lang Raqui)..nerbusnes(nerbyos) akez dahil lalong malalate si Kuya..dahil sa akin?

Para akong ambulance ng umalis,no stopping with no 'wang-wang'..pagsakay ko..text agad kay kuya to update asan na akez..nakita ko text:

Kuya: Text ka kapag malapit ka na
reply ako: Ok po

Si kuya may sa lahing bagyo, bilis magchange ng mind..sabi nya tawagan ko s'ya pagmalapit na ako..para hindi na raw ako bumaba sa jeep at paparahin na lang n'ya yung jeep na sinasakyan ko..Sabi ko ayaw ko yun kasi risky yun pero Umoo din naman ako pero may kundisyon na kapag lumagpas bababa ako..um-OK naman si kuya..

Exciting part: sa kakamadali ko, pagbaba ng jeep na paPRC, sakay agad ako ng jeep..nakalimutan ko ng iobserve ang jeep na sasakyan ko paa madescribe ko kay kuya yung jeep..hahaha nasakyan ko ang jeep na Burgos/Taft LRT..tawag agad ako kay kuya..sabi ko asan na s'ya..sabi n'ya sa angel's burger..ask ko saan yun? sabi n'ya paglagpas lang ng 7/11..tinatry kong idescribe yung nasakyan kong jeep, pero hindi ako makakita ng words na magdedescribe ng outer ng jeep..so sinabi ko na lang kay kuya kung saan na dumadaan ang jeep na sinasakyan ko..ask ni kuya kung asa unahan ako..sabi ko sa likod ng nasa unahan ng jeep..



Palapit ng palapit..may halong kilig, konting kaba at slytling worry na baka hindi kami magkita..nakita ko si Kuya..hindi ko alam pero promise..para akong batang  3 yrs old na sinalubong ng nanay from work..ganuong kasaya..parang asong nakita ang among dumating..ganuong kaexcited ang feeling ko..samantalang magkasama lang kami magdiner kagabi..hahaha..pero syempre nakangiti..ngiting may pagmamahal..sobrang tamis kulang na lang itim na langgam sa lips ko..Smile ng isang virgin na dalaga..walang bahid dungis..isang pure virgin..char?!  hahah nacarried away lang..hahaha

Kahit medyo masikip na sa dulo..may I move talaga ako to the left to the left again..hahaha..medyo maulan di ba..basa ang upuan..may I kuskos ako ng pwet ko sa upuan kasi si kuya papasok pa lang at ako eh papauwi na naman..so deadma..para akong may rashes sa wetpaks(pwet) kung makakuskos..

So PERFECT?! Dahil sa kasabikan ko/namin ni kuya, ang simpleng pagkikita namin at pagsabay pumasok..ang pagkikita namin sa jeep..it was PERFECTLY BREATHTAKING.. habang luamalakad papasok si kuya..bumabagal ang lahat..My heart felt a moment of silence looking at him as he passed front of me watching him sit beside me..(eeee kainis) Hindi na niya napansin na na-teary eyed ako..promise..Hindi pa niya naaayos ang pag-upo niya may inabot siya sa akin..binigay niya ang Angel's Burger..Buy 1 Take 1 na burger..Tig 1 lang kami..pero kahit tig-isa lang kami..Para siyang burger for lovers given by an angel of Burgers(oha..oha..oha..arte much) Hahaha..Hindi nga! Promise, Bongga talaga! bonggang breakfast ko.."It was the most EXPENSIVE BREAKFAST I had in my life.." sabi nila hindi raw nabibili ng pera ang tunay na kaligayahan..well, I can say hindi pala totoo yun..Kasi, magkano lang naman ang angel's burger? Buy 1 take 1 pa nga  pero it give me one of the happiest moments in my life..Ang pera pala..depende sa tao..kung saan mo ilalaan ang pera..

End up ..sumama hanggang LRT Quirino..wala pang Kiss na naganap kasi walang chance..Bawi na lang daw siya nagkita kami pag-uwi nya from review..Lam n'yo na..dapat bonggang preparation na naman ito..haha

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento