Sabado, Hunyo 4, 2011

3rd day and counting..Mabuti na lang Tier 2

Hay naku..nakakainis..ang haba pa naman ng ginawa ko tapos hindi naman pala nagreflect ang post ko ng 3rd date namin..waaaaahhhh (plangag?!pok pak?!). Ang hirap pa naman iremember ng dapat na ipost ko..waaaahhhhh..

Anyway, isusulat ko na lang uli, I will attempt to think of the same way i make kwento(I make kwnto..hahahah).

we are on our 3rd date from our 4th day old relationship (hahaha sisiw, 45 days)..but the iron is still hot(char!)..oo nga as in sobrang init na kahit change of wheather ay nahihiya sa kainitan namin..sa totoo lang I miss him every Day, every hour, every minute, every seconds and ever ready battery(char)..oo, sobrang miss ko talaga si kuya, kahit nga magkasama kami miss ko pa din s'ya..OA but true..Alam ko naranasan n'yo na din yung mamiss ang isang tao kapag kasama..dalawang bagay, either miss mo s'ya kapag kasama dahil may coldness when your together..or so intense the love, that even in physical world your still missing a part of him(oha, oha..kaboom!)..Abnormal? oo no, I am proud(haha)..bonggang kaOA-yan man pero totoo at mabuting bagay yun para sa akin kasi I am still thinking of a lot of things to make him smile..(pampakilig baga!)..

eto na, after our second date na kinunsidera ko na lang na magin 2nd date..syempre gawa na naman akez ng way to meet each other..so pagdating ng bahay..may I text ako kahit katatapos palang namin magkita..hindi ko na mailagay ang text messages namin kasi maypagka daot tong android ko..kailangan palang iset ng bonggang number of messages sa thread eh hindi ako inabisuhan(hahaha nanisi ng cell phone)..

well of course nagsimula, "thank you kuya, love you so much..miss you so much, kelan tayo kita"..pero kahapon lang kami huling nagkita..hahahah

so ayun na nga so since hindi ko na macapture ang text messages ek-ek, hindi ko na s'ya maipopost dito basta eto ang simula bakit nagkaroon ng 3rd date.

Dahil nga I am so into Kuya, pagkauwing pagkauwi ko at pagkagising namin, may I ask ako ng schedule ni kuya sa Tuesday, at sabi naman niya na 5pm out n'ya from review. at ang pasok ko ay 7:30pm, hala gustong gutsto ko makita si kuya pero ang aming time ay isang malaking hadlang..kasi naman biyahe from Sta Cruz Manila to Makati ay hindi di biro, maghapong naka upo..hahaha.. paano ba naman kahit manila lang aabutin ka ng 1-2 hours sa biyahe..Pero i came to a plan.."Early Lunch"..waha bilis ko makaisip ng way..malaking tulong talaga ang pagiging Tier 2, dami options..hahahah

So pumayag na nga si kuya..so May 31, hapon 5pm na pero wala pang text si kuya..ayoko pwersahin si kuya baka biglang magclash of the titan..may I wait lang ako..eto na nagtext 5:16pm nagtext si kuya..kakatapos palang ng review papunta na daw siya..Yehey, bongga at confirm na confirm na ang date..so ako naman ang nataranta..hahahah hindi pa pala ako nakakaligo..hahaha mabuti na lang eh may lahi akong the Flash na ang bilis maligo..wahaha ewan ko ba maypagka atat akong tao, lahat minamadali ko..(obviously, ang aking pag-ibig ay 1 day processing lang..hahahah)..

so may I go na ako sa office ng 5:20pm. along the way, nagtext si kuya. "paano ba pumunta dyan from bukid?." So ako naman, gumana na naman ang pagiging tier 2 nagbigay ng options

1. "Kuya mag LRT ka na lag hanggang Buendia LRT: (sa option 1 may options pa hahaha)
     A.   at sumakay ka ng jeep paPRC. Tatawid ka pagbaba mo ng LRT papuntang Wendys sa tabi ng Goldilucks meron ng jeep dun. tapos baba ka ng Export Bank Bldg katapat ng Mcdo bago tumwid ang jeep sa Buendia. (pasensya na hindi ko nakilala ang barter na nagtatawag sa jeep pa PRC.)
     B.  at sumakay ka ng jeep paGuadalupe. Tatawid ka pagbaba mo ng LRT papuntang Wendys sa tabi ng Goldilucks meron ng jeep dun. Tapos baba ka ng Crispa, pala tandaan ay Tropical Hut, yung katapat ng Makati Medical Center na katapat ng Makati Post office at Katapat ng RCBC Bldg.

2. "Kung sa bukid, sakay ka lang ng paGuadalupe or Burgos, tapos baba ka ng pasong tamo or PRC at sakay ng paMantrade. Baba ka Export Bank Bldg tapos lakad ka tatawid sa pagitan ng ministop at Mang inasal.

'Di ba? bongga sa details, sorry na lang kung maypagka details ha, ayoko naman mawala ang pag-ibig..hahaha..Oo nga pala infairness kay kuya ayaw maging hadlang sa trabaho, tinanong n'ya ako if ok lang ba sa work ko mag-early lunch..kasi ayaw naman n'ya masira ako sa work ko because of him..Aiii!! mega concern si Kuya.. Love it..

Dumating ako sa office 5:45pm at akyat ako sa office, pull up ng break scheds at nagtext kuya, "asa Export bank bldg na ako". gusto ko sanang biruin "anung ginagawa mo dyan, sabi ko baba ka lang sa tapat?" kaso baka magalit at macancel ang date. So syempre, may I taranta ang lola, reflenish agad ng fez at may I ask sa'n tayo kakain? sabi ni Kuya hindi n'ya "ikaw." sabi ko maliban sa akin. Saan pa? Char..

So nagtagpo kami sa baba, ng walang alam saan kami kakain, so lakad kami pa Mashdu(McDo) tapos change of mind. Walk naman kami pa Kepsi(KFC) at sudden change again, may I suggest Mang inasal..so walk naman kami pa Mang inasal, tapos change of plan kasi concern si kuya sa oras ng work ko hindi sa akin(hahah joke lang kuya) so we came up na magTokyo Tokyo kami..Sabi ko sige rice all you can din naman yan.

eto na may bago akong nadiscover kay Kuya, maypagka Basketball player itong si kuya, magaling mag assist..Paano ko nalaman? eto:

Ako: Saan tayo kakain?
Kuya: Kaw? (1 powent)

Ako: McDo?
Kuya: Kaw?(2 powent)

Ako: anu ba gusto mo kainin?
Kuya: Kaw(3 powent)

Ako: Maliban sa akin(feeling..hahaha) KFC?
Kuya:ok lang, Ikaw(akala ko pa naman maiiba na, hahaha)

Ako: alam ko na Mang inasal, para madaming extra rice
Kuya: 'Kaw (diet ako sa rice, sa loob loob) (nakialam na ako ng niloob ni kuya)

Kuya: ok lang ba sa oras mo, lapit ka na magsmula.
Ako: OO nga, sige Tokyo Tokyo na lang tayo, rice all you can din naman d'yan. (hindi pa ring maalala na diet si kuya sa rice)

Akala n'yo ba tapos na ang assist? Eto pa:

Sa loob ng Tokyo Tokyo:
Ako: Anung gusto mo?
Kuya: kahit anu, kaw na bahala..(4 powent)

Ako: Sige upo muna tayo habang pimipili ng food.

Si kuya kasi nahihiyang hindi magshare sa labas namin, sabi n'ya may family kang pinapakain at tama lang naman sa relasyon na share. Kaya ayun puro s'ya 'kaw' kasi hindi man n'ya sabihin obvious na nahihiya s'yang hindi magshare.

Ang akin naman, kami naman on the first place. May mga tao akong nililibre kahit hind ko karelasyon, at mas dapat naman na ishare ko sa partner ko ang blessings ko..sabi ko naman na hindi naman libre yung ginagawa ko, kung anu mang bilhin ko para sa kanya o para sa amin, eh reward ko yun sa sarili ko na makakain kami together masaya ako. at alam ko naman darating ang time na pagnagwowork na s'ya, gagawin n'ya din sa akin yun. pero hangga't wala pa kung sinung meron muna..(arte ko noh, puro explanation..san ba malapit na baranggay?makapagreklamo kay kapitan..hahaha)

Eto naman talaga ang climax:
Sa Tokyo Tokyo, duon kami umupo sa malapit sa bintana, malapit sa pinto at katapat ng mga cashier. Namimili ng food, tinanong ko kung anong gusto ni kuya sabi nya kahit anu. Nakaorder na kami, kaya lang bothered ako dun sa isang cashier na nakatingin sa amin, ayun pa lang nakatingin lang sa amin pero ang iniisip mas malalim pa sa bangin..hahaha..eto pa..lahat ata ng cashier dun ganun kasi pagtapos ng isa, yung katabi naman n'ya ang parehong nakatingin sa amin pero malayo naman talaga ang tingin..hahahah

Eto yung totoong climax:
Hindi pa nadating ang food namin, kwento kwento, eh syempre pacute tapos sumimpleng smack kami..grabe..bakit kapag hinahalikan ako ni Kuya, paulit-ulit kong nararamdaman ang kuryente mula talampakan hanggang bumbunan ko..promise..kung pwede nga lang magcharge ng batery sa akin eh baka full charge at may excess pa..hahahah nakakatawa kasi unknowingly, deadma kami sa mga tao kahit na may nakakakita,although pa isa isa lang naman nakakakita sa amin..at si Kuya, super nahihiya talaga..hahaha Dumating ang food.konting usap..tapos kiss uli.."thank you" lang ni kuya, masaya na ako, yung may kiss pa..bongga..parang gusto kong umorder ng umorder para maka dami ng kiss, hahahah. Maka ilang ulit, siguro kung mabibilang ko ng tama..apat na beses kaming nagnakaw ng halik sa isa't isa...hahahah

Eto pa, kasi nga si kuya eh naging "man-of-the-hour" sa office namin, halos lahat ng kakilala ko gusto siyang makilala..so may I use ako ng unli ko at tinext ko lahat ng gusto makilala si kuya na "kasama ko ngayon si Bowa(Jowa) asa Tokyo Tokyo kumakain". at eto na nga, halos lahat ng agents ko dumaan sa tokyo tokyo at syempre pinakilala, yung iba naman may I kaway lang..hahah celebrity..wapak..hahaha at isa kong friend naman tinatanong kung saan ko nabili si Kuya at magkano..hahaha ang sama..

Matapos namin kumain, gusto ko naman mag-ice cream, so like I said, ayaw ni kuya na di share, so si kuya sumagot ng ice cream namin, ako naman ang nagthank you at simpleng kiss.. Naglalakad kami papuntang Export Bank Building, usap usap..kung anu ang next date namin,si kuya nga nagsabi na bukas ako naman sa Mang Inasal..yahoo..confirmed na meron na nga kaming 4th date..yehey..saya ko ng sobra.siguradong magkikita uli kami bukas..heheheh

so close na ang 4th date namin ni kuya..sa Mang inasal..

Bago siya sumakay ng Jeep may binigay sa akin si kuya




Sabi ko, baka food mo mamayang gabi yan, sabi n'ya binili n'ya daw talaga sa akin yun, yessss kilig..kaya hanggang ngayon asa akin pa din yun plastic ng pagkain..heheheh Ang nakakatawa, nung pasakay na si Kuya gusto niyang humalik sana at ako din for us to find out..traffic at madaming nakatingin sa amin kasi close kami ni kuya, hahaha so end up nagkiss kami ni kuya pero sa Text na lang "muawaah, I love you kuya"..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento